Tuesday, October 21, 2014


PONEMANG SUPRASEGMENTAL

Ponema -  ang pinakamaliit na unit ng  makabuluhang tunog.
0Ang pag-aaral ng ponema ay binubuo ng segmental at
suprasegmental.
Segmental = ay ang tunay na tunog at ang bawat tunog ay
kinakatawanan ng isang titik sa ating alpabato.
Suprasegmental = ay ang pag-aaral ng ng diin (Stress), tono
(tune), haba (lengthening) at hinto
(Juncture).

2 Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga ponemang suprasegmental o ng mga haba, diin, tono at hintosa pagbibigkas at pagsasalita.

1.       Haba
* ito ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
pantig.
* maaaring gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.
* mga halimbawa ng  salita:
bu.kas = nangangahulugang susunod na araw
bukas = hindi sarado
2.       Diin
*tumutukoy ito sa lakas ng pagbigkas s isangpantig ng salitng
binibigkas.
*maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
*Mga halimbawa ng salita:
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
LA:mang = natatangi
la:MANG = nakahihigit; nangunguna
3.       Tono
* nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap
* Tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono.
* maaaring gamitin ang blg. 1 sa mababa, blg. 2 sa katamtaman at blg.
3  sa mataas.
* halimbawa ng salita:
Kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay
talaga = 213, pag-aalinlangan
talaga = 231, pagpapatibay
4.       Hinto
*ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensahe.
*maaring gumamit ng simbolo kuwit( , ), dalawang guhit na pahilis ( // )
o gitling ( - )
* mga halimbawa ng salita:

No comments:

Post a Comment