KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
NG
TANKA AT HAIKU
Isinalin sa Filipino ni
M.O. Jocson
Sa ilang anyo ng tula, ang Tanka at
Haiku ang pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Lumaganap ang Tanka noong
ikawalong siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Layunin ng mga tulang ito na
pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita
lamang.
Ang pinakaunang Tanka ay nasa kalipunan
ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves, isang
antolohiya na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang binibigkas
at inaawit ng nakararami.
Sa panahong lumabas ang Manyoshu,
kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga
manunulat ng Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino
sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema
ng pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng
pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang
ilarawan ang tunog ng karakter ng Hapon. Tinawag na Kana ang ponemikong
karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”.
Noong panahong nakumpleto na ang
Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa
pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan,
ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat
na matatawag nilang sariling-sarili nila.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng
Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan.
Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang
tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka.
Tatlo sa mga taludtod ay may tigpitong bilang ng pantig samantalang tiglimang
pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng
damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa
paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at
dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang
Tanka. Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong
ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang
bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.
Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon
sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na
nahahati sa tatlong taludturan. Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng
taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay
cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang
salitang paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo
ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang
pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng
kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso
sa sinundang berso.
Maaari rin namang makapagbigay - daan
ito sa marangal na pagwawakas. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag
ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig
ng tagsibol. Ang higure naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”.
Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng
mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.
Tanka at Haiku
Magkaibang uri ng panulaan ang Tanka at
Haiku, bagama't nagsimula ang mga ito sa bansang Hapon. Mayroon itong
kaniya-kaniyang katangian ng pagiging magkaiba.
Ang Tanka, isang uri ng tula na
maaaring awitin ay may kabuuang tatlumpu't isang pantig na may limang
taludtod. Ang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-7-7-5 o maaaring
magpalit-palit nang nananatili ang kabuuang bilang ng pantig na tatlumpu't isa.
Ang Haiku naman ay higit na
maikli sa Tanka. Binubuo ito ng tatlong taludtod na may bilang ng pantig na
5-7-5 o maaaring magkapalit-palit nang di nababago ang kabuuang bilang ng mga
pantig na labimpito.
Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang
paksa ng Haiku at pagbabago, pag-iisa at pag-ibig naman ang karaniwang paksa ng
Tanka.
Tayo naman sa Pilipinas ay
may Tanaga, isang uri ng sinaunang tula na nagpapahayag ng kaisipan at
binubuo ng apat na taludtod na may tigpipitong pantig sa bawat taludtod, may
tugma at puno ng talinghaga. Namalasak ito noong panahon ng pananakop ng
mga Hapones.
Iron Will Lead to Metal Spike in the Iron-Line Will Set Off Metal
ReplyDeleteT-Rex is an Iron-Line Iron-Line film. titanium nipple bars titanium framing hammer and his favorite 포커 족보 Iron-Line movie, and his favorite film is smith titanium Iron Spike. thinkpad x1 titanium