"MODAL"
Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng kagustuhan, posibilidad, kakayahan, pahintulot at obligasyon. Mga halimabawa nito ang: maari, puwede, gusto, ibig, nais, dapat, kailangan at hangad. Ang anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong aspekto.

Dalawang Gamit Nito
1. Bilang malapandiwa o
salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang totoong pandiwa.
Hal. Gusto ko
ang damit mo.
Hangad ko
ang iyong tahumpay.
Tandaan:
Walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga modal na gusto,
hangad at kailangan ang
nagpapahiwatig ng pandiwa.
2. Bilang panuring o pantulong sa pandiwa na may anyong
pawatas.
Hal.
Gusto niyang makaalis sa hukay.
Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon.
Mga Uri ng Modal
1. Nagsasaad ng kagustuhan (pagnanasa,
paghahangad, pagkagusto ng higit kaysa iba)
a. “Gusto kong maakyat ang bunganga ng
hukay,” wika ng tigre.
b. “Ibig mong maialis kita diyan sa malalim
na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.
2. Nagsasaad ng kakayahan o posibilidad
a. Puwede silang dumating mamaya.
b. Maaari mo itong tapusin mamayang gabi.
3. Nagsasaad ng obligasyon (sapilitang
pagtupad, hinihingin mangyari)
a. Dapat sundin ang Saligang-Batas.
b. Kailangan mag-aral kang mabuti.
No comments:
Post a Comment