"PABULA"
NAGKAMALI NG UTOS
Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang
isang prinsesang tutubi. Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna
Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila.
Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Si
Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi
niyang kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari
pa ay pawang tutubi rin.
Isang
araw, naisipan niyang lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin
kung ano ang daigdig sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang
mga dama at tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.
Maligayang-maligaya
si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-wili siya
sa lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya
napansin ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin.
Huli
na nang ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa
kaharian ay inabutan din siya ng malakas na ulan.
“Titigil
muna ako sa punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.
Ngunit
sa punongkahoy pala naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit
ang nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay
niyuyugyog ng mga matsing. Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang
prinsesa.
“Kra-kra-kra!
Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas na na
sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.
Sa
laki ng galit ng Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na
iyon at lumipad pauwi sa palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang
hari. Kaniyang isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng
hari. Nagpatawag agad ang hari ng kawal.
“Pumunta
ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin
mong dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang
kaharian ng mga matsing sa isang labanan.”
Mabilis
na lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay
walang paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng
mga matsing ang nagging sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.
“Mga
tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing.
“Nakakatawa , ngunit pagbibigyan naming anginyong hari,” ang sabi ng pinuno.
“Ang mga mating laban sa mga tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.
“Kailan
at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.
“Bukas
ng umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.
“Magaling!
Bukas ng umaga sa gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing sa
sinabi ng tutubi.
Bumalik
sa kanilang kaharian ang kawal a tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang
nagging katugunan ng mga matsing.
Kinabukasan
naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming
matsing. Waring ang buong kamatsingan ay naroroon at pawing sandatahan. Bawat
isa ay may dalang putol na kahoy na pamukpok.
Nasa
kabilang panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na
tutubi.
“Kailangang
pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring
matsing.
Sa
kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang
utos. “Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Kailangang
magbayad ang mga matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay
dagling luang malinaw at marahan niyang utos.
Nagsalubong
sa gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang
matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang
sandatang pamukpok. Matapang din naming sumunod ang mga kawal na tutubi
palibhasa ay nais nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong
kahariang Matutubina.
Nagsimula
ang labanan. Dapo at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok
doon naman ang mga matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari
bang matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari.
Nagkamali siya ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal
darapo ang maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit
huli na ang lahat. Isang kawal na matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi
sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan nakabulagtang lahat
ang mga matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at
lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at
ng buong kahariang Matutubina.
No comments:
Post a Comment