Aralin 1.2
A.
Panitikan:
Alamat ni Prinsesa Manorah
-Thailand
(Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta)
B. Gramatika/Retorika: Mga Pang-abay na Pamanahon
Pang-abay na may pananda (nang, sa, noon,§
kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang)
Pang-abay na walang pananda (kahapon,§
kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Pang-abay na nagsasaad ng dalas (araw-araw,§
tuwing, taon-taon, buwan-buwan)

Mga Pang-abay na
Pamanahon
1. May
pananda (nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
hanggang)
Mga Halimbawa:
a. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutan na siya ng dilim sa
daan.
b. Kailangan niyang mangisda tuwing umaga upang sila’y may maulam.
c. Pagod na bumabalik sa tanghali ang mga kinnaree matapos makapagtampisaw sa lawa.
d. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa kagubatan.
e. Kapag araw ng Panarasi, masayang dumadalaw sa kaaya-ayang lawa ang
mga kinnaree.
f. Mula noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at
Prinsesa Manorah.
g. Umpisa kahapon hanggang ikapitong araw ay walang pagod niyang nilakbay
ang daan patungo sa kabayanan.
2. Walang pananda (kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas)
Mga Halimbawa:
a. Kahapon nakipagkita si Prahnbun sa ermitanyo upang humingi ng tulong.
b. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.
c. Ngayon darating ang mga kinnaree sa kagubatan upang magliwaliw.
d. Mamaya na lamang kukunin ng babae ang pasalubong na dala ng kaniyang
asawa.
e. Makikipagkita bukas ng umaga si Prahnbun kay Prinsipe Suton.
3. Nagsasaad ng dalas (araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan)
Mga Halimbawa:
a. Ang mga kinnaree ay araw-araw tumutungo sa lawang nasa loob ng
kagubatan upang magtampisaw.
b. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw ang
nagtatayugang mga puno.
c. Pumupunta taon-taon sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah sa kaharian
ng Bundok Grairat.
d. Lumuluwas buwan-buwan sa kabayanan ang mangingisda upang mamili ng
mga kagamitan.
------* Nakakatulong ang Pang-abay na Pamanaho sa pagsasalaysay ng alamat dahil sa pagsasaad nito kung kailan ginanap,ginaganap o gaganapin ang pangyayari.

No comments:
Post a Comment